May hatid ang awit kung pakikinggan
FAQ is empty.
Nais kong malaman kung saan ang
patutunguhan
Itong mundong puno ng karahasan
Itong mundong buhay ay isang
digmaan.
Nais kong makita kung ano ang
kahihinatnan
Ng isang bayang hati ang katauhan
Ng isang bayang sarili ay ‘di niya malaman
CHORUS
Nais kong malaman kung saan ang
patutunguhan
Nais kong makita kung ano ang
kahihinatnan
Nais ko
Nais kong marinig kung ano ang tinig
ng kalayaan
Sa loob nitong masikip na kawalan
Sa loob nitong sariling bilangguan
Nais kong madama kung ano ang
kahulugan
Ng adhikaing walang kabuluhan
Ng adhikaing taliwas ang katwiran
CHORUS
Nais kong marinig kung ano ang tinig
ng kalayaan
Nais kong madama kung ano ang
kahulugan ng kalayaan
Nais ko
Nais kong malaman kung saan ang
patutunguhan (nais ko)
Nais kong makita kung ano ang
kahihinatnan (nais ko) Nais kong marinig kung ano ang tinig
ng kalayaan (nais ko)
Nais kong madama kung ano ang
kahulugan ng kalayaan
Nais ko (Ahh ahh)
Nais ko (ahh, ahh, ahh)
Nais ko
© 2011 All rights reserved and Copy right